GUSTO KO

First off I wanted to tell you that I’m flattered you even clicked this link.

GUSTO KO

Marami yan. Sobrang dami at walang katapusan. Minsan nakukuha ko. Pero kadalasan, hindi. Sa simpleng kadahilanang: Hindi natin gusto ang mga bagay na nasa atin na.

Marami sa mga gusto ko, mahirap makuha kasi, mas challenging yun. Gusto ko ng challenge.

Gusto ko rin ng walang challenge. Gusto ko: hindi ako nahihirapan.

Gusto ko ng atensyon. Gusto ko nakikinig kayo sa akin. Gusto ko sinasabi n’yo kung mali ako. Gusto ko hindi kayo basta-bastang umaayon sa sinasabi ko. Gusto ko magpakatotoo ka lang. Relaks lang kumbaga.

Gusto ko ng pagkain. Marami din yan. Kapag may oras, iisa-isahin ko yan sa blog na ‘to.

Gusto ko ng babae. Hindi yung nabibili o nababayaran. At hindi rin yung alimango. Gusto ko ng babaeng mamahalin. Gusto ko ng babaeng tapat. Gusto ko ng babaeng magmamahal sa akin at hindi ako iiwan habang buhay pa s’ya. Gusto ko ng babaeng totoo: totoo sa sarili n’ya. Gusto ko ng babaeng may mabangong buhok 🙂

Gusto ko ng internet. Gusto ko magmura ang internet at lalo pang bumilis.

Gusto ko ng pera. Pero yung tama lang. Yung hindi naman ako kelangang ma-kidnap pa.

Gusto ko ng maayos na bahay. Para sa pamilya ko ngayon. At para sa pamilya na bubuoin ko (awa ni Lord).

Gusto ko ng masayang trabaho. Gusto kong mahanap yun sa lalong madaling panahon.

Gusto kong magluto. Pero di naman ako magaling magluto. Gusto ko lang.

Gusto kong maging architect. Kahit architect na walang lisensya 😉 Gusto kong magdesign ng bahay, ng kwarto, ng furnitures.

Gusto ko ng gadgets. Yung gadgets na sakto lang sa lifestyle.

Gusto ko ang Ateneo.

Gusto ko ng badminton. Gusto kong tumakbo. Gusto kong mag-trekking. Gusto ko mag sky-dive, pero minsan lang – baka matuluyan na ‘ko sa pangalawang beses.

Gusto kong manood ng alapaap.

Gusto kong makinig ng radyo o mp3 sa loob ng sasakyan habang nakapark sa gabi sa isang hilltop.

Gusto ko ng aso. Magaling ako magturo sa aso 🙂 Magka-wavelength siguro kami.

Gusto ko nang matapos ito. Kaya sige na, okay na, bumalik ka na sa dati mong ginagawa.

IKAW, ANOGUSTOMO? 🙂

One Response

  1. Anong facial expression yan?

Anong Gusto mong sabihin?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: